Paano Bumuo ng Business Concept?
Bago ang lahat, nagsisimula ang isang business sa isang idea o konsepto.
Ano nga ba ang business concept? Ito ay isang idea para sa negosyo, kabilang ang pangunahing impormasyon tungkol dito tulad ng service o produkto, ang mga target customer, at ang tinatawag na “unique selling proposition” na magbibigay sa iyo ng advantage o kalamangan sa iyong kakumpetensya. Ang isang business concept ay maaaring isang bagong produkto, o bagong approach sa pag-deliver ng isang produkto.
Walang iisang solusyon sa pagbuo ng business concept. Minsan madami kang naiisip na idea; minsan naman ay nahihirapan kang mag-isip. Sabi nga ng ibang entrepreneur, minsan mas mahirap pa nga mag-isip ng business idea kumpara sa paggawa ng business plan.
Pero paano nga ba bumuo ng panalong business concept? Narito ang ilang mga tips para tulungan kayong makabuo ng idea para sa iyong negosyo:
2. Maging malikhain. Kung naghahanap ka ng kakaibang idea, tumingin-tingin sa kapaligiran para makakuha ng inspirasyon. Subukan mong maghanap ng idea sa pagbabasa ng libro o sa pakikipag-usap sa mga kaibigan.
3. Kilalanin ang isang pangangailangan o problema. Halimbawa, tuwing summer, mainam na magbenta ng iced candy at halo-halo dahil naghahanap ang mga tao ng pampapresko.
4. Isulat ang iyong ideas. Kahit ano pa ang maisip mo, isulat mo lang sa isang notebook para hindi mo makalimutan.
Sorry, comments are closed for this post.