Cash In from Other Banks

Ang Cash In from Other Banks ay bagong service ng BanKo para sa mga accountholders para pondohan ang kanilang account sa mga BancNet ATMs tulad ng Allied Bank, RCBC, at iba pa.

Available to: All accountholders of BancNet member banks wishing to fund a BanKo account

How does it work?

Ang Cash In from Other Banks ay safe at convenient na paglipat ng pera sa BanKo account dahil through ATM ang proseso.

Steps para makapag- Cash In from Other Banks:

  1. Pupunta ang magpapadala ng pera sa ATM ng BancNet-member bank para magsagawa ng ATM transaction.
  2. Pipiliin ang Funds Transfer under “Select Service”
  3. Pipiliin ang BanKo bilang transferee bank at ilalagay ang inyong Globe o TM cellphone number na nakaregister sa BanKo.
  4. Pipiliin ang Savings bilang “Bank account to be used”
  5. I-enter ang amount na ipapadala.
  6. Makakatanggapo ang BanKo accountholder ng confirmation text message na nagsasabing naipasok na ang halaga sa account.

‘Yan ang gaan at ginhawang hatid sa inyo ng BanKo!

FAQs

  1. Ano ang service na Cash In from Other Banks?
    Ang Cash In from Other Banks ay bagong service ng BanKo para sa mga accountholders para pondohan ang kanilang account sa mga BancNet ATMs gaya ng Metrobank, Land Bank, RCBC, China Bank at iba pa.
  2. Saang mga bangko maaring gumawa ng Cash In from Other Banks?
    Maaring magcash in sa mga ATM ng mga sumusunod na bangko:

    • Allied Bank
    • Allied Savings Bank
    • Chinabank
    • Chinabank Savings
    • CTBC Bank
    • City Savings Bank
    • Nationlink
    • Philtrust Bank
    • PBCom
    • RCBC
    • RCBC Savings Bank
  3. Kailangan ko bang mag-enroll para magamit ang service na ito?
    Hindi na kailangan mag-enroll. Basta active ang iyong BanKo account, maari kang mag Cash In from Other Banks.
  4. Kailangan ba na meron akong BanKo account para magamit ang service na ito?
    Opo. Ang service na ito ay para lamang sa mga BanKo accountholders.
  5. Paano mag Cash In from Other Banks?
    Madali lang mag Cash In from Other Banks. Sundin lang ang mga sumusunod na steps:

    1. Pumunta sa mga BancNet bank ATMs nationwide
    2. Ipasok ang ATM card sa machine. Hindi ang BanKo ATM card ang ipapasok kundi ang ATM card ng bangko na panggagalingan ng pera para sa Cash In.
    3. I-type ang PIN ng account
    4. Piliin ang “Transfer” sa mga options
    5. Piliin ang BanKo sa listahan ng mga bangko
    6. I-type ang 11-digit BanKo account number na lalagyan ng cash in
    7. Piliin ang type ng bank account na pagkukunan ng pera – savings o current account.
    8. I-type ang amount na perang ililipat.
    9. Kunin ang transaction receipt
    10. Makakatanggap ang BanKo accountholder na pumasok na ang pera sa account.
  6. Gaano katagal ko matatanggap ang cash in?
    Ang inyong cash in ay matatanggap in realtime pagkatapos nagawa ang transaction sa BanKo ATM.
  7. May charge ba ang service na ito?
    Opo, may charge po na Php25.00 ang service na ito.
  8. Sino ang pwede tawagan kapag may mga concerns sa aking account?
    Para sa mga tanong tungkol sa inyong account at sa mga debit/credit dito, pakitawagan ang 2882 for FREE gamit ang iyong Globe/TM cellphone.