Business Ideas na Patok sa Pinas
Handa ka nang sumabak sa pagne-negosyo, may naipon ka nang capital at nakapag-ayos na din ng schedule para mai-plano ng maayos ang big move na ito. Pero ano nga uli ang gagawin mong negosyo?
Kung magsisimula pa lang at nag-iisp pa lang ng kung ano ang pwedeng pagkakitaan, magandang pag-aralan at tingnan kung ano ang mga business ideas na mabilis na nagugustuhan ng mga tao. Para sa Pilipinas, heto ang ilang halimbawa ng mga businesses na pumapatok.
Restaurant o food business
Hindi made-deny ang hilig ng pinoy sa pagkain. Tingnan na lang ang mga sikat na mga puntahan tulad ng Tomas Morato at Maginhawa st. ng Teacher’s Village. Dagdag sa masasarap na putahe, ang current trend sa resto industry ay ang mga kakaibang gimik o naiibang dining experience.
Kung hindi pa kaya ang restaurant, start small! Pwedeng-pwede kang mag-food cart o mag-online pastry shop. Mabenta din ang mga karinderia sa locations na malapit sa mga opisina.
Sari-sari store o mini mart
Sa kabila ng pagdami ng malls, wala pa ding kupas ang sari-sari stores. Proven effective na small business, makikita sa residential areas ang ganitong mga tindahan. Iba iba ang pwedeng ibenta pero hindi dapat mawawala ang candy, chips, sabong panglaba, pangligo at softdrinks.
Maliit lang ang capital na kailangan at pwede itong itayo sa harap ng iyong bahay. Kung relaxed at secured ang hanap mong negosyo, ito ang negosyo na babagay sa’yo.
Printing business
Malakas pa din ang mga print shops, lalo sa malalapit sa mga estudyante. Ang mas malalaking printing companies naman ang kumikita sa pagprint ng mga materials tulad ng booklets, magazines, mga tarpaulin, billboard atbp.
May mga seasons din na mabenta ang mga print shops. Tuwing eleksyon, hindi matatawaran ang pagpapa-print ng mga posters at flyers.
Online selling
Nasa sentro ng online selling o e-commerce ang convenience ng customer sa pamimili. Kaya patok ang e-commerce sites na may cash on delivery at door-to-door delivery.
Gaya ng sa sari-sari stores, kahit ano ay pwedeng ibenta online. Pero kung titingnan ang mga existing online stores, mabenta ang mga rare o hard-to-find items.
Mula sa bottled buko shake na de-straw hanggang sa siomai na ginawang donut, napatunayan na na kahit ano ay pwedeng gawing negosyo. Tandaan na para sa tunay na business-minded, kahit ano ay pwedeng pagkakitaan. Ang kailangan lang ay oras at ang unting creativity para makapag-pasok ng value sa produkto o serbisyong naiisip mo.
Para matulungan ka pa lalo sa business idea mo, basahin ang Paano Bumuo ng Business Concept.
Sorry, comments are closed for this post.