BanKo FAQs

Sino si BanKo?

Ang BPI Direct BanKo, Inc., A Savings Bank o “BanKo” ay ang financial inclusion arm ng Bank of the Philippine Islands.  Ang mission ng BanKo ay ang maghatid sa bawat Pilipinong walang financial access sa mga formal financial institutions, ng madali, convenient at affordable financial solutions tulad ng savings at loan products, na makakatulong sa pagtupad ng iyong pangarap.


Ano ang PondoKo Account?

Ang PondoKo ay isang savings account na may kasamanag mobile app kung saan maaari ninyong gamitin para makapag-ipon, mag-load, magbayad ng bills at magpadala ng pera gamit ang inyong mobile phone.  Maaari kayong magdeposit o magwithdraw sa mga BanKo Cash Agents o sa kahit saang BancNet- affiliated ATMs nationwide.

Sa PondoKo Account, maaari kang:

  • Mag-deposit o mag-withdraw sa mga accredited BanKo Cash Agents nationwide.
  • Mag-withdraw sa kahit saang BancNet-affiliated ATM nationwide gamit ang iyong BanKo debit card para.
  • Bumili ng load, magbayad ng bills at magpadala ng pera gamit ang BanKo mobile app.

Kikita ba ng interest ang aking PondoKo Account?

Oo, ang PondoKo Account na may minimum balance na Php 500 ay kikita ng 0.0625% interest per annum. Ito ay madadagdag sa iyong account kada buwan.

 

Paano ba mag-open ng PondoKo Account? 

Para mag-open ng PondoKo Account ihanda ang iyong ID at sundin lamang ang mga sumusunod na steps:

Step 1. I-download ang BanKo mobile app sa Google Play Store o iOS App Store.

Step 2.  I-click ang “Not yet registered? Register now” at piliin ang “I am a new customer” button.

Step 3. Basahin at sumangayon sa Terms and Conditions at sagutan ang registration form sa mga susunod na pahina.

Step 4. I-upload ang picture ng iyong ID at kumuha ng selfie.

Step 5. Mag nominate ng Username at Password na inyong matatandaan. Ito ay kakailanganin para ma-access ninyo ang inyong PondoKo Account gamit ang BanKo mobile app. Siguraduhing walang makakaalam ng inyong Username at Password.

Step 6.  I-check at i-submit ang application for approval. Para makumpleto ang registration,  mag-nominate ng 6-digit MPIN. Ang MPIN ay kakailanganin para i-authorize ang inyong mga financial transaction. Huwag ipamahagi ang inyong MPIN kanino man.

Step 7. Kayo ay makakatanggap ng text message na naglalaman ng inyong KYC Reference Number. Tumungo sa anumang authorized BanKo Cash Agents at ipakita ang iyong KYC Reference Number at ang iyong ID para makumpleto ang iyong PondoKo Account application. Huwag kalimutang mag-initial deposit ng P50.

Ano ang mga requirement para maka-open ng ako PondoKo Account? 

Simple lamang ang requirements para maka-open ng PondoKo Account:

  • Mobile number
  • 1 valid ID
  • P50 minimum initial deposit

 

Anu-ano ang mga ID na maaaring gamitinpara makapag-open ng PondoKo Account?

Ito ang mga acceptable IDs:

  • Passport
  • Driver’s License
  • Professional Regulation Commission (PRC) ID
  • National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
  • Police Clearance
  • Postal ID
  • Voter’s ID
  • Barangay Certification
  • Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
  • Social Security System (SSS) Card
  • Senior Citizen Card
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
  • OFW ID
  • Seaman’s Book / Seafarer’s ID and Record Book
  • Alien Certification of Registration/Immigrant Certificate of Registration
  • Government Office and GOCC ID, e.g. Armed forces of the Philippines (AFP ID), Home Development Mutual Fund (HDMF ID)
  • Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons (NCWDP)
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
  • Integrated Bar of the Philippines ID
  • Company IDs issued by private entities or institutions registered with or supervised or regulated either by the BSP, SEC or IC
  • Photo-bearing school ID duly signed by the principal or head of the school
  • Any document or information reduced in writing which the covered person deem sufficient to establish customer’s identity per Circular No. 992-Framework for Basic Deposit Accounts

Maaari ko bang gamitin ang aking Globe/Smart/Sun mobile number para mag-register sa BanKo mobile app?

Yes! Maaari mong i-register ang iyong PondoKo Account gamit angGlobe, Smart, Sun o Talk ‘n’ Text mobile number,

 

Ano ang ibig sabihin ng KYC at bakit kailangan ko pang pumunta sa BanKo Cash Agent para gawin ito?

Ang ibig sabihin ng KYC ay “Know Your Customer”. Ito ay ang nararapat na hakbang na kailangang maisagawa ng BanKo para i-verify ang totoong pagkatao ng mga customers, pati ang kanilang mga beneficial owner, at ma-chek ang mga importanteng impormasyong kailangan para magsagawa ng mga financial transactions sa kanila.

Ano ang MPIN?

Ang Mobile Personal Identification Number o MPIN ay ang six-digit passcode na iyong gagamitin sa iyong mga PondoKo transactions. Para sa iyong proteksyon, huwag ipagsabi ang iyong MPIN.

Paano kung nalimutan ko ang aking MPIN?

Maaari mong i-reset ang iyong MPIN. Sundin lamang ang mga sumusunod na steps na ito:

Step 1. Gamit ang iyong Username at Password, mag-log in sa iyong BanKo mobile app.

Step 2. I-click ang Menu button na makikita sa upper left corner ng app at piliin ang “My Page”.

Step 3. Pumunta sa “Settings” at i-click ang “Reset MPIN”.

Step 4.  I-click ang “Account” at piliin ang PondoKo Account Number na nais mong i-reset ang MPIN. I-click ang “Confirm” button para magpatuloy.

Step 5. I-type ang iyong Username at Password. Siguraduhin na ang naka saad na Mobile Number ay ang iyong registered mobile number at i-click ang “Send OTP” button para magpatuloy.

Matatanggap mo ang OTP sa iyong registered mobile number.

Step 6. I-type ang natanggap na OTP at i-click ang “Confirm” para magpatuloy.

Step 7. I-nominate ang iyong bagong 6-digit MPIN.

Ikaw ay makakatanggp ng SMS notification na successful ang pagpalit ng iyong MPIN.

Maaari ko bang palitan ang aking MPIN?

Maaari mong palitan ang iyong MPIN.  Sundin lang ang mga steps na ito:

Step 1. Gamit ang iyong Username at Password, mag-log in sa iyong BanKo mobile app.

Step 2. I-click ang Menu button na makikita sa upper left corner ng app at piliin ang “My Page”.

Step 3. Pumunta sa “Settings” at i-click ang “Change MPIN”.

Step 4.  I-click ang “Account” at piliin ang PondoKo Account Number na nais mong i-reset ang MPIN. I-click ang “Confirm” button para magpatuloy.

Step 5. I-type ang iyong current MPIN and i-click ang “Confirm” button para magpatuloy.

Step 6. I-nominate ang iyong bagong MPIN.

Ikaw ay makakatanggp ng SMS notification na successful ang pagpalit ng iyong MPIN.

Paano kung makalimutan ko ang aking password? 

Para mapalitan ang iyong password, sundin lamang ang mga steps na ito:

Step 1. Buksan ang iyong BanKo mobile app at i-click ang “Forgot password”.

Step 2. I- type ang iyong Username at i-click ang “Next”.

Step 3. Siguraduhin na ang naka saad na Mobile Number ay ang iyong registered mobile number at i-click ang “Send OTP” button para magpatuloy.

Matatanggap mo ang OTP sa iyong registered mobile number.

Step 4. I-type ang natanggap na OTP at i-click ang “Confirm” para magpatuloy.

Step 5. I-nominate ang iyong bagong Password.

Step 6:  I-type ang isa sa iyong 12-digit PondoKo Account number at ang inyong 6-digit MPIN at i-click ang “Confirm” para maverify ang iyong request.

Ikaw ay makakatanggp ng SMS notification na successful ang pagpalit ng iyong Password.

Paano ako mag-de-deposit saang aking PondoKo Account?

Maaari kayong mag-deposit sa inyong PondoKo Account sa kahit saang authorized BanKo Cash Agent nationwide. Gamit ang BanKo mobile app, sundin ang mga sumusunod na steps:

Step 1. Gamit ang iyong Username at Password, mag-log in sa iyong BanKo mobile app.

Step 2: I-type ang 8-digit Agent Code ng authorized BanKo Cash Agent kung saan mo nais mag-deposit. Maaari ding i-scan ang QR Code ng BanKo Cash Agent.

Pag tama ang iyong Agent Code, automatic na lalabas ang pangalan ng iyong BanKo Cash Agent sa Agent Name text box.

Step 3: I-type ang amount na nais mong i-deposit at i-click ang “Next” para magpatuloy.

Step 4. I-check kung tama ang details ng iyong transaction at i-click ang “Submit” button para mapasa ang iyong request.

Ipakita sa iyong BanKo Cash Agent ang na-generate na Deposit Reference Number o QR Code para makumpleto ang iyong transaction.

 

Siguraduhing nasa BanKo Cash Agent na kayo kapag ginawa ang mga steps na ito para maiwasan ang pag-expire ng inyong Deposit Reference Number o QR Code. Kung sakaling mag-expire, gawin ulit ang Steps 1 to 4.

 

Ano ang mangyayari kapag hindi ako gumawa ng transaction sa aking PondoKo Account?

Ang account na walang kahit anong transaction sa loob ng 2 taon ay automatic na magiging dormant ang status at maaaring ma-charge ng service fees.

Siguraduhing laging active ang iyong account sa pamamagitan ng patuloy na pag-Buy Load, Pay Bills, Transfer, ATM withdrawal o POS Payment.

Paano mag-withdraw mula sa aking PondoKo Account?

Maaari kayong mag-withdraw mula sa iyong PondoKo Account sa mga authorized BanKo Cash Agent. Gamit ang BanKo mobile app, sundin ang mga sumusunod na steps:

Step 1. Gamit ang iyong Username at Password, mag-log in sa iyong BanKo mobile app.

Step 2: I-type ang 8-digit Agent Code ng BanKo Cash Agent kung saan mo nais mag-withdraw. Maaari ding i-scan ang QR Code ng BanKo Cash Agent.

Pag tama ang iyong Agent Code, automatic na lalabas ang pangalan ng iyong BanKo Cash Agent sa Agent Name text box.

Step 3: I-type ang amount nais mong i-withdraw at i-click ang “Next” para tumuloy.

Step 4. I-check kung tama ang details ng iyong transaction at i-click ang “Submit” button kung ito ay tama.

Step 5:  I-type ang iyong 6-digit MPIN para ma-kumpleto ang iyong transaction.

Siguraduhing nasa Cash Agent na kayo kapag ginawa ang mga steps na ito para siguradong matanggap ang perang i-wi-withdraw.

Kung meron naman kayong BanKo Debit Card, maaari kang mag-withdraw sa kahit saang  ATM nationwide.

PONDOKO TRANSACTIONS VIA BanKo MOBILE APP

Paano bumili ng load gamit ang BanKo mobile app?

Step 1. Gamit ang iyong Username at Password, mag-log in sa iyong BanKo mobile app.

Step 2. I-click ang “Buy Load button.

Step 3. I-type ang Mobile Number na gusto nyong i-load at i-click ang “Next” para magpatuloy.

Step 4. Pumili ng halaga na nais mong i-load. I-click ang “Next” para magpatuloy.

Step 5. I-check kung tama ang details ng iyong transaction at i-click ang “Buy” button kung ito ay tama.

Step 6. I-type ang iyong 6-digit MPIN para ma-kumpleto ang iyong transaction.

Paano magbayad ng bills gamit ang BanKo  mobile app? 

Step 1. Gamit ang iyong Username at Password, mag-log in sa iyong BanKo mobile app.

Step 2. I-click ang “Pay Bills” button at piliin ang category ng biller. I-type ang iyong Reference Number, Sender at Payment details. I-click ang “Next” para ituloy ang transaction.

Step 3. I-check ang details ng iyong transaction at i-click ang “Pay” kung ito ay tama.

Step 4. I-type ang iyong 6-digit MPIN para ma-kumpleto ang iyong transaction.

Paano magpdala ng pera gamit ang BanKo mobile app? 

Step 1. Gamit ang iyong Username at Password, mag-log in sa iyong BanKo mobile app.

Step 2. I-click ang “Transfer” button.

Step 3. Piliin ang financial institution ng padadalhan ng pera. I-type ang Account Number, Beneficiary Name at ang amount na ipapadala. I-click ang “Next” button para magpatuloy.

Step 4. I-check ang details ng iyong transaction at i-click ang “Confirm” kung ito ay tama.

Step 5. I-type ang iyong 6-digit MPIN para ma-kumpleto ang iyong transaction.

Agad na papasok ang pera sa account ng pinadalhan.

 

Para sa karagdagang detalye sa PondoKo Account, please visit www.banko.com.ph or www.facebook.com/magbankona