Bank Loan Basics

Bank Loan Basics

Depende sa pangangailangan mo, maraming klase ng loans ang pwedeng i-avail mula sa bangko. Para matulungan ka sa pagpili, ito muna ang basics na dapat mo malaman at maintindihan.

Ang loan ay may 3 components. Isa sa mga ito ay ang Interest Rate o ang charge na ipinapatong ng bangko sa perang hiniram. Usually, ito ay small percent lang ng loan. Maaari itong fixed o variable, kung saan ang interest rate ay pwedeng magbago o mag-increase over time.

Ang ibig sabihin ng Security Component ng isang loan ay kung ito ay secured o unsecured. Ang secured na loan ay may collateral na requirement sa transaction, habang ang unsecured naman ay wala. Isa sa mga pag-aari mo, ang collateral ay ang gamit na kung saan binibigyan mo ng claim ang bangko. Sakaling hindi mo mabayaran ang loan mo? Legal na pwedeng i-seize ng bangko ang collateral.

Hindi nangangahulugan na mas madaling option ang unsecured na loan. Minsan ay mas mataas ang interest rate ng unsecured loan. Minsan din naman, humihingi ang bangko ng isa pang signee na pumapayag na singilin siya ng bangko sakaling hindi makabayad ang taong nakakuha ng loan.

Ang pangatlong component ng loan ay ang Term. Ito ang i-aassign na haba ng panahon o period para makumpleto ng borrower ang pagbabayad sa hiniram na pera.

Ang mga usual na klase ng loan ay personal loans, cash o salary advances, mortgage loans, at loan na pang finance ng negosyo.

Bago mag-apply for a loan, ang tip namin ay aralin mo muna ang resources mo at ang conditions ng loan na gusto mong apply-an. Seryosong usapan ang pagkuha ng loan, kaya bago mag-avail, pag-isipan itong mabuti.

Nahahati sa Personal at Business categories, ang mga loans ng BanKO ay pinasimple at pinabilis dahil hindi na kailangan pa ng collateral at wala na ding processing fees. Para sa mas detalyadong impormasyon sa mga loans na available sa BanKO, visit https://www.banko.com.ph/loans/.

Sorry, comments are closed for this post.